-- Advertisements --
Nagpakalat ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng karagdagan 802 na contact tracers sa Metro Manila.
Sinabi ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na kabilang sa mga contact tracers ay mga kapulisan at mga bumbero.
Bukod sa 802 sa DILG ay mayroong 300 na contact tracers ang manggagaling sa MMDA.
Tiwala si Malaya na sapat ang nasabing bilang para sa dumaraming kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ipapakalat ang mga ito lugar na mayroon naitalang matataas na kaso ng COVID-19.
Noong nakaraang mga buwan ay naghire na ang mga DILG ilang libong contact tracers base na rin sa hiling ng Department of Health.