Nilinaw ng Deparment of Interior and Local Government (DILG) na maayos nilang na-liquidate ang nasa mahigit P4-bilyong pondo na ginamit para sa rehabilitasyon ng mga government offices na naapektuhan ng paghagupit noon ng Bagyong Yolanda.
Paliwanag ni DILG Spokesperson USec. Jonathan Malaya, sa kabuuang halaga ng pondo na ibinigay sa kagawaran para sa Recovery Assistance for Yolanda projects ay nasa 85% na ang na liquidate ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng mga concerned local government units.
Habang ang natitirang unliquidated funds na nagkakahalaga ng mahigit P600-milyon ay mga ongoing projects.
Sa datos ng DILG, nasa 25 RAY projects na ang nakumpleto ng DPWH habang nasa 4,403 projects naman ang nakumpleto na ng LGUs.
Dahil sa ulat ng COA, ipinag-utos na ni DILG Sec. Eduardo Año na mag-deploy ng Finance Monitoring and Tracking teams kasama ang mga engineers at accounting staft sa mga Yolanda affected LGUs para magsagawa ng assessment.
“Thousands of RAY projects were started and completed in varying periods reckoned on the dates the funds were released by DBM and the subsequent submission of liquidation reports will of course depend on the period of implementation,” ani Malaya.
Samantala, binalaan din ng DILG ang mga local government officials na mananagot ang mga ito kapag wala sila sa kanilang mga lugar sa panahon ng kalamidad.
Sinabi ni Malaya magpapalabas sila ng show cause order laban sa mga ito.