-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nagpaalala ang Department of Interior and Local Government (DILG) Sorsogon sa mga local chief executives ng mga apektadong bayan sa paligid ng bulkang Bulusan, kasunod ng abnormalidad nito.

Nakatutok umano ang DILG sa attendance ng mga opisyal partikular na ang mga alkalde na dapat “on top of the situation” sa mga aktibidad ng bulkan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Julius Rodel Ortiz, provincial director ng DILG Sorsogon, sinabi nito na hindi umano magdadalawang-isip si Interior Secretary Eduardo Año na padalhan ng show cause order ang mga LGU sakaling wala sila sa kanilang lugar sa panahon ng pagputok ng bulkan.

Sa paunang monitoring ng DILG Sorsogon, present naman umano lahat ng mga alkalde sa mga lugar na apektado.

Wala rin umanong magiging problema sa transition sakaling abutin pa ang aktibidad ng bulkan hanggang Hunyo 30.