-- Advertisements --

Plantsado na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang paghahanda sa paggunita ng undas.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Ano na gaya noong nakaraang taon ay isasara ang lahat ng mga sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.

Ang nasabing hakbang ay para maiwasan na maging super spreader events na baka maaaring pagmulan pa ng pagkalat ng COVID-19.

Maari lamang na bumisita ang mga tao bago ang Oktubre 29 o pagkatapos ng Nobyembre 2 at limitado lamang ito ng 10 katao kada grupo.

Lilimitahan lamang din sa 30% ang capacity ng bawat sementeryo.

May nakatalagang kapulisan sa bawat sementeryo para matiyak na nasusunod ang ipinapatupad na minimum health protocols.