-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng kabuuang bilang ng 16 complaints mula sa publiko hinggil sa pagsasamantala ng ilang kandidato sa paggamit ng mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Batay sa datos na nakalap ng ahensya, ilang insidente ng pamimigay ng ayuda partikular na sa ilalim ng mga programang Ayuda para sa mga Kapos ang Kita Program (AKAP) at maging sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ang naireklamo na sa kanilang tanggapan.

Ayon kay Lanete, ang siste ay ginagamit ng ilang politiko na siyang kumakandidato ngayong eleksyon ang mga naturang programa para makabili ng boto mula sa publiko at ginagamit ang mismong distribusyon ng mga ayuda para magmukhang mula sa kanila ang mga natatanggap na financial assistance ng mga benepisyaryo nito.

Kasunod nito ay nagpaalala naman si Lanete na mahigpit na pinagbabawal ang ganitong mga gawain at pagsasamantala sa mga programa ng ibang ahensya na siyang exempted sa public spending ban ngayong eleksyon.

Kinumpirma naman ng opisyal na padadalhan na ng show cause orders ang 16 na kandidatong sangkot sa naturang insidente kung saan kapag napatunayang sangkot ang mga ito ay maaaring maging ground ito para sa maharap ang mga kandidato sa isang disqualification case.

Samantala, patuloy naman na nakamonitor ang pamunuan ng DILG at aktibong nakabantay sa mga complaints na kanilang matatanggap pa sa mga sususnod na araw.

Pagtitiyak ni Lanete, hindi hahayaan ng kanilang pamunuan ang mga ganitong klase ng gawain at agad na ipagbibigay alam sa Commission on Elections (Comelec) para agad na maresolba at pagpalinawagin ang mga sangkot para sa isang malinis na eleksyon.