-- Advertisements --

Nanawagan si Interior Secretary Benhur Abalos Jr.s sa mga local government units (LGUs) sa buong bansa na ipatupad ang total ban sa paputok.

Ayon kay Abalos, ang mga LGU ay maaaring magtalaga ng mga pampublikong lugar kung saan ligtas na mapanood ng mga tao ang mga fireworks display.

Mas ligtas kasi aniya ang paggamit ng fireworks kumpara sa mga paputok na maaring magdulot ng aksidente.

Giit ni Abalos, kung maaari, magbibigay siya ng templates sa pagban ng mga paputok sa pamamagitan ng ordinansa.

Sinabi ni Abalos na nakaalerto ang Bureau of Fire Protection dahil sa mataas na peligro ng sunog sa gitna ng holiday season dahil sa paputok.

Una na rito, nagbabala rin ang opisyal na maging maingat sa paggamit ng mga pailaw at dapat na tiyaking ito ay dekalidad na produkto upang makaiwas sa anumang insidente na posibleng mangyari.