Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na kanilang tutulungan ang mga magulang na ni-recruit ng legal fronts ng CPP-NPA na hanggang sa ngayon ay hindi pa umuuwi sa kani kanilang mga tahanan.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año gagawin nila ang lahat para makamit ng mga magulang ang kanilang hinahanap at makuha muli ang kanilang mga anak.
Aminado ang kalihim na posibleng namundok ang mga batang ni recruit ng NPA at pinangangambahang magiging casualties sa labanan ng militar at NPA.
Giit ng kalihim may paglabag sa batas ang ginawa nitong mga legal fronts ng CPP NPA na nagrerecruit ng mga menor-de-edad dahil maaari silang sampahan ng kasong kidnapping dahil wala na itong pagkakaiba sa ginagawang recruitment ng NPA.
Nais din ng kalihim na rebyuhin at i revise ang memorandum of agreement sa pagitan ng DND at UP kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang presensiya ng mga pulis at sundalo sa nasabing eskwelahan.
Sinabi ni Año hindi na angkop sa mga panahon ngayon ang nasabing Memorandum of Agreement kayat kailangan magkaroon ng amendment at adjustment.
Aniya, nais kasi nila na magkaroon ng mas maraming engagement sa mga school authorities, students kasama ang PNP,AFP at DILG para magkaroon ng awareness kaugnay sa modus operandi ng mga grupong ito.
Target ng mga legal front na ito ay mga state universities at mga factory.
Ibinunyag din ni Año na napasok na rin ng komunistang grupo ang iba’t ibang youth organization kaya dapat itong bigyan din ng pansin.
Ibinunyag ni Año na nasa 500 hanggang 1,000 mga estudyante sa buong bansa ang sumasailalim sa community immersion.