-- Advertisements --

ILOILO CITY – Ninilaw ng Department of Interior and Local Government na hindi pinapayagan na magstaycation ang mga matatanda at bata sa Metro Manila at apat na mga lalawigan na sakop ng two-week general community quarantine bubble.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Interior Undersecretary Epimaco Densing III, sinabi nito na maaaring lumabas sa kanilang bahay ang mga staycationers ngunit dapat ay nasa loob lang ng Metro Manila, Cavite, Batangas, Laguna at Rizal o “NCR Plus”.

Nanawagan rin si Densing sa mga local chief executives ang mahigpit na pagpapatupad ng Resolution 104 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, kung saan ang edad 18 anyos pababa at 65 anyos pataas at may mga comorbidity ay dapat na manatili sa kanilang tahanan.

Ayon kay Densing, 70% na mas nakakahawa ang bagong variant ng Coronavirus kaya hindi dapat magkampante ang publiko.