-- Advertisements --

Hinimok ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGU) na magpasa ng ordinansa na magbabawal muna sa pag-karaoke sa mga pampublikong lugar ngayong Holiday season.

Sa isang public briefing, sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya, ang parusa sa mga lalabag sa pagbi-videoke sa mga pampublikong lugar ang siyang magdedetermina sa parusang kakaharapin ng sinumang susuway sa ordinansa.

Paglilinaw naman ni Malaya, ipagbabawal lamang ang pagbi-videoke sa pampublikong lugar o maramihang pagbi-videoke.

Maaari naman aniyang mag-videoke sa loob ng tahanan basta’t ang magpapamilya lamang ang kakanta at walang iimbitahang iba.

“We highly discourage iyong public karaoke. Pero kung kayo po ay dalawa o tatlo sa loob ng iyong bahay at kayo ay magkakaroke sa loob ng inyong tahanan ay sa tingin po namin ay wala naman pong masama diyan,” wika ni Malaya.

Base kasi sa pag-aaral, malaki umano ang tiyansa na makahawa ng virus kapag naghihiraman ng mic.