LEGAZPI CITY – Ipinanukala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na tanggalin na ang drug-free barangays.
Paliwanag ni Diño na nabatid na nagkakaroon ng drug-free at drug-cleared barangays dahil mismong ang ilang barangay officials umano ang nasasangkot sa kalakaran ng iligal na droga.
Aminado si Diño na ito ang pinakaunang pagkakataon na nangyari sa kasaysayan ng Pilipinas na nagkaroon ng 42,000 barangays na bumuo ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) subalit hindi umano lahat ay functional.
Giit pa ni Diño na higit anim na milyong barangay officials ang dapat na magtrabaho laban sa iligal na droga at kriminalidad.
Kung kagustuhan aniya na magkaroon ng kapayapaan at kaayusan sa bansa, kinakailangang mag-umpisa ito sa mga barangay.