-- Advertisements --
Pagpapaliwanagin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga opisyal ng Parañaque City at Lungsod ng Maynila dahil sa pagsasagawa ng mass gatherings na nagdudulot sa paglabag ng health protocols.
Sinabi ni DILG Undersecretary at spokesman Jonathan Malaya, na posibleng managot ang mga government officials at mga kapulisan ng nabanggit na lugar dahi sa bigo silang magpatupad ng health protocols.
Tinukoy kasi ng opisyal ang pagdami ng mga tao sa Divisoria sa Maynila at sa Baclaran sa Paranaque City.
Pinapaimbestiga rin aniya ni DILG Secretary Eduardo Año sa PNP Joint Task Force Covid Shield sa pagtitipon ng religious group na El Shaddai sa Baclaran.