-- Advertisements --

Nanindigan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa posisyon nito kontra sa motion for reconsideration ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Party-list.

Ito’y kaugnay pa rin ng profiling na ginagawa ng Philippine National Police sa mga guro na miyembro ng partido.

Ayon kay DILG spokesperson Jonathan Malaya malinaw na tinatawag na lang ng grupo ang pansin ng publiko dahil tumatakbo ito sa darating na halalan.

Iginiit din nito ang pagbasura ng Korte Suprema na inihaing petisyon kamakailan ng ACT kontra sa PNP.

“The original petition was already dismissed and yet ACT PL (party-list) wishes to beat a dead horse,” ani Malaya.

“We appeal to ACT PL to stop politicizing this issue just to earn votes from the public.”

Nitong Lunes nang muling umapela sa Court of Appeals ang partido para isantabi ang nauna nitong desisyon para ipatigil ang profiling ng PNP.

“(Court decision) proves that the alleged profiling or police crackdown of their group is a figment of their imagination designed to draw more media attention as the election nears,” dagdag ng DILG spokesperson.