-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government  na patuloy ang kanilang ginagawang hakbang para malinis ang hanay ng Pambansang Pulisya.

Ayon kay Interior Secretary Benjamin Abalos Jr., sisiguraduhin nito na tuluyang maaalis ang lahat ng mga police scalawag na sumisira sa imahe ng kanilang organisasyon.

Ginawa ng kalihim ang pahayag kasabay ng isinagawa nitong pagprisenta kahapon sa dalawang dating pulis na sinasabing sangkot sa pagpatay sa beauty pageant contestant na si Geneva Lopez  at kasintahan nito na si Yitshak Cohen.

Giit ni Abalos, ang dalawang pulis ay matagal nang inalis sa serbisyo ngunit kailangan parin na matanggal ang lahat ng anay sa PNP.

Kinilala itong sina  dating pulis na si Michael Angelo Barrento at Rommel Medina Abuzo.

Kumpyansa naman si Abalos na maisasakatuparan nito ang kanilang mga plano para na rin sa ikabubuti ng hanay ng PNP.