-- Advertisements --
Pinagpapaliwanag ang mahigit na 10 local officials dahil sa paglabag umano sa ipinapatupad na batas sa quarantine protocols.
Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) spokesperson Jonathan Malaya, hindi malayong masampahan ng kaso ang mga ito kapag natapos na ang kanilang imbestigasyon.
Dagdag pa nito na ang ginawa nilang paglabag sa lockdown ay malinaw na isang daan para sila ay masampahan ng kaso.
Pinakahuling iniimbestigahan ay ang alkalde ng Sto. Tomas sa lalawigan ng Pangasinan na nagdiwang umano ng kaniyang kaarawan at nilabag ang social distancing.