-- Advertisements --
DILG Sec Ano
Interior and Local Government Secretary Eduardo Año

Ipinagtanggol ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Police Lt. Col. Jovie Espenido bilang deputy chief of police ng Bacolod Cit na patayin ang lahat.

Ayon sa kalihim na naging exaggerated lamang ang pangulo sa pahayag nito.

Nais aniya ng pangulo ng bigyang diin ang punto sa paglaban ng iligal na droga.

Tiniyak naman ng DILG na mahigpit pa rin na susundin ng PNP ang ipinag-uutos ng batas.

Magugunitang sa naging talumpati ng Pangulo sa dinaluhan nitong pagtitipon nitong Huwebes ay ipinagtanggol niya ang pagtalaga ka Espenido kung saan ipinag-utos na patayin lahat ang mga gumagawa ng iligal.