-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Isinilbi na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagpapatupad ng suspension order na inisyu ng Sandiganbayan laban kay North Cotabato Governor Nancy Catamco.

Alas-4:00 ng hapon araw ng Huwebes tinanggap ng provincial administrator ng North Cotabato ang 90 days suspension order ni Catamco.

Una nang nilagdaan ng anti-graft court ang preventive suspension laban kay Catamco dahil sa mandatory order ito sa ilalim ng “Anti-Graft and Corrupt Practices Act” upang pigilan siya na gamitin ang posisyon ng kanyang pamahalaan habang siya ay iniimbestigahan.

Ang korte ay hindi kumbinsido na ang petisyon ni Catamco para sa pagsusuri bago ang Korte Suprema ay dapat makuha sa paraan ng preventive suspension.

Si Catamco ay nahaharap sa graft and malversation charges dahil sa diumano’y supplying overpriced fertilizers sa bayan ng Poro sa Cebu noong 2004.

Una nang sinabi ng legal team ni Catamco na handa nilang harapin sa korte ang anumang kasong isasampa sa gobernadora.

Sa ngayon ay uupong acting governor si Vice-Governor Emmylou ”Lala” Taliño-Mendoza at vice-gov na senior board member Shirlyn Macasarte Villanueva.