-- Advertisements --
image 380

Pinayuhan ng Department of the Interior and Local Government ang mga governor at mayor na tutokan at bantayan ang development ng bagyong Egay at magsagawa ng disaster preparedness protocols.

Sa isang pahayag, sinabihan ni  Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. ang mga governor at mayor at ilang local chief executives na maging handa bago, habang, at pagkatapos ng bagyo, at ipatupad ang “Operation L!STO” disaster protocols ng DILG.

Ayon kay Abalos, importanteng manatili ang mga governor at mayor sa kani-kanilang mga pwesto dahil sila ang may awtoridad para ma-implement ng maayos ang mga naturang protocols. 

Bahagi naman ng mga responsibilidad ng local chief executives sa loob ng mga protocol ng Operation L!STO ang pagpupulong ng mga local disaster councils sa loob ng 24 na oras upang makuha ang latest severe weather bulletin, pagrepaso sa mga lokal na plano para sa contingency ng kalamidad at hazard risk maps, gayundin ang pag-aayos ng mga koponan para sa search-and-rescue, search-and-retrieval, security, at clearing operations.

Ang mga gobernador at alkalde ay inaatasan din sa ilalim ng mga protocol na magsagawa ngrisk assessment bago tumama ang isang bagyo upang maghanda ng mga naaangkop na plano sa pagtugon, upang masuri ang functionality ng mga evacuation center, at i-activate ang kanilang mga incident command system.