-- Advertisements --

Pinalakpakan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang siyam na local government units (LGUs) dahil sa kanilang napaka-gandang community-based rehabilitation programs laban sa iligal na droga.

Sa isang pahayag, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Anño na sa kabila ng banta na dulot ng COVID-19 pandemic, ay tuloy pa rin ang mga LGUs sa kanilang rehabilitation para sa mga drug users na nasa kanilang komunidad.

Ang siyam na LGUs na tio ay mula sa munisipalidad ng Magallanes, Cavite; Bacnotan. La Union; City of Lucena, Quezon; Kalibo, Aklan; Ormoc City, Leyte; Pasig City; Davao Oriental; Claver, Surigao Del Norte at Malaybalay, Bukidnon.

Ayon pa sa kalihim, patunay lamang ang Community-Based Drug Rehabilitation and Reintegration Program (CBDRP) practices sa commitment ng gobyerno sa naturang panuntunan. Maituturing din umano na tagumpay ito ng bansa mula sa iligal na droga.

Ang mga nabanggit na LGUs ay kinilala sa isinagawang symposium ng CBDRP best practices na may pamagat na “Talakayang Rehab: Community-Based Drug Rehabilitation and Reintegration Best Practices.”

Dagdag pa ni Año na tuloy-tuloy ang pagtatrabaho ng pamahalaan para i-rehabilitate ang mga indibidwal na naging biktima ng droga upang sa gayon ay makapagbagong-buhay na ang mga ito at maging produktibong kasapi ng lipunan.