-- Advertisements --

Itinuturing ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na ang nakumpiskang droga sa Alitagtag, Batangas bilang pinakamalaking droga na nakumpiska sa bansa.

Ang nasabing droga na tinatayang nasa dalawang tonelada ay nagkakahalaga ng P13.3 bilyon.

Nakumpiska ang nasabing droga ng magsagawa ng checkpoint ang lokal na kapulisan sa Barangay Pinagkurusan.

Naaresto na ang driver ng sasakyan at inihahanda na ang kaso laban dito.

Ikinatuwa naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang nasabing accomplishment na ito ng PNP.