-- Advertisements --
Plano ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ipasara ng tatlong buwan ang bahagi ng El Nido sa Palawan.
Sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III na kabilang sa ipapasara ang bahagi ng Bacuit Bay habang ang 20 isla ng El Nido ay hindi magiging apektado sa pagpapasara.
Nilinaw naman nito na ang rehabilitation na isasagawa ay isasangguni muna sa El Nido International Agency Rehabilitation Task Force na binubuo ng DILG, Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Tourism.
Base sa nakarating na impormasyon sa DILG naging grabe ang polusyon sa nasabing isla dahil sa na rin sa pagdagsa ng mga turista.