Plano ng Department of Interior and Local Government (DILG) na lagyan ng selyo ang mga kabahayan ng walang bahid ng iligal na droga.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Mike Sueno na kaniya ng binigyan ng direktiba ang peace and order council ng bawat barangay sa bansa na tukuyin kung ano-anong mga bahay ang hindi apektado ng droga.
Sinabi ni Sueno na kapag natukoy na ang mga bahay na walang drug-free ay saka ito lalagyan ng stickers o selyo.
Kapag naselyohan ang nasabing bahay ito ay patunay na walang gumagamit o may illegal drug transaction na nagaganap sa nasabing bahay.
Pahayag ni Sueno na layunin ng pagseselyong ito na mahikayat ang bawat pamilyang Pilipino maging ang mga kapitbahay ng mga ito na tapusin ang iligal droga sa kanilang komunidad.
Tiniyak ng kalihim na hindi magiging marahas ang bagong hakbang na ito na tila pamalit ng pamahalan sa Oplan Tokhang.
Dagdag pa ni Sueno na hindi pa rin sila titigil sa kampanya kontra droga na layon magkaroon ng drug free communities.