Inatasan ngayon ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang lahat ng mga local government units, maging ang Philippine National Police (PNP) na striktong ipatupad ang mga pinapayagan at mga ipinagbabawal na mga election activities sa panahon ng kampanya para maiwasan ang paglaganap ng Covid-19 virus.
Ang paalala ng kalihim ay kasunod ng pagsisimula sa campaign period na mag umpisa sa February 8 para sa national candidates habang sa March 25 naman para sa mga local candidates.
Pinasisiguro ni Sec Año sa mga LGUs at maging sa PNP na nasusunod ang health protocol sa kanilang mga areas of jurisdiction pursuant sa Comelec Resolution 10732 to stop the spread of Covid-19.
Ayon sa Kalihim ang LGUs at PNP ang manguna sa pagpapatupad ng minimum public health standards (MPHS) depende din sa kung ano ang alert level ng isang lugar lalo na sa panahon ng in-person campaigns, rallies, caucuses, meetings and conventions; motorcades ang caravans at miting de avance.
Binigyang-diin ni Año na nais lamang matiyak ng pamahalaan na ligtas ang ating mga kababayan sa panahon ng kampanya lalo at may banta pa rin sa Covid-19 Omicron variant kaya hindi dapat magpabaya.
Sa panig naman ng Philippine National Police (PNP) kanilang sisiguraduhin na imantene ang order and security at ipatupad ang MPHS sa panahon ng election-related campaigns sa pakikipagtulungan sa mga barangay officials, tanods, at Barangay Health Emergency Response Teams.
Mahalagang pagalawin ng mga LGU ang kanilang mga law enforcement units upang matiyak na magiging ligtas at malayo sa Covid-19 ang mga makikiisa nating mga kababayan sa kampanya.
Pina-alalahanan din ng kalihim ang mga LGUs, Municipal or City Comelec Campaign Committee na manatiling nuetral, iwasan ang pamumulitika lalo na duon sa pagbibigay ng campaign permits sa national and local candidates.
Samantala, hindi naman pinapayagan sa lahat ng Alert levels sa panahon ng kampaniya ang handshakes, hugs, kisses, going arm-in-arm, o anupamang mga physical contact, maging ang pagkuha ng selfies, pamamahagi ng pagkain at inumin sa panahon ng kampanya.