Ipinag-utos ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga local government units (LGU) at sa Philippine National Police (PNP) na mahigpit ipatupad ang firecrackers ban sa buong bansa.
Layon ng diektiba ng DILG ay para maiwasan ang anumang sunog o aksidente na posibleng maging sanhi sa paggamit ng mga iligal na firecrackers lalo na ngayong holiday season.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano, kailangang ipatupad ng mga LGUs at PNP ang kautusan laban sa paggamit ng mga iligal na paputok.
Sinabi ng kalihim bukod sa target nilang maiwasan ang anumang aksidente, layon din nilang mapababa ang mga firecracker related injuries.
Umaasa si Ano na ngayong taon mas bumaba pa ang bilang ng mga masasaktan dahil sa mga paputok.
Nasa desisyon na rin ng mga local chief executives kung saan sila magtatalaga ng lugar para sa gagawing fireworks display.
Binigyang-diin ng kalihim na napakahalaga ng bahagi ng PNP at LGUs sa pagpapatupad ng batas laban sa mga iligal na paputok tuwing pasko at bagong taon.
Kabilang sa mga ipinagbabawal na mga firecrackers ay ang mga sumusunod: Watusi, piccolo, super lolo, atomic triangle, large Judas belt, large bawang, pillbox, bosa, Goodbye Philippines, Bin Laden, mother rocket, lolo thunder, coke in can, atomic bomb, five star, pla-pla, giant whistle bomb and kabasi.
Samantala, sa datos ng Bureau of Fire Protection (BFP) nuong nakaraang New Year’s Eve nakapagtala sila ng 14 na fire incidents sa buong bansa na nangyari sa pagitan ng December 31,2017 hanggang January 1,2018.