-- Advertisements --


Pina-aalalahanan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay officials na bawal mangampanya lalo na sa kanilang piniling kandido.
Nilinaw ng DILG na maari namang ilahad ng mga barangay officials ang kanilang saloobin hinggil sa mga election-related issues subalit mahigpit na pinagbabawalan ang mga ito na mangampanya para sa iisang kandidato lalo na at nalalapit na ang 2019 midterm election.
Ang pahayag na ito ni Interior Undersecretary Epimaco Densing III kasunod ng mga inihaing reklamo laban sa 52 barangay offficials na sangkot sa partisan politics.
Sinabi ni Densing hindi kasama ang mga barangay officials sa inilabas na joint circular ng Comelec at Civil Service Commission na ang tanging makapag kampanya lamang ng kanilang kandidato ay ang Pangulo ng bansa, Vice President at iba pang mga elective officials.
Ayon sa DILG nasa 700 complaints ang kanilang natanggap mula sa mga ordinaryong mamamayan laban sa mga barangay officials.