-- Advertisements --

Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga kompanya na magtayo ng mga isolation facilities para sa kanilang mga empleyado sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Pahayag ito ni DILG Usec. Jonathan Malaya matapos na mahawaan ng COVID-19 ng mga manggagawa sa isang kompanya sa Laguna ang kanilang mga pamilya.

Ayon kay Malaya, nagre-report lang ang naturang mga firm sa kanilang head office, kaya mistulang nababalewala ang mga local government units.

“[A]ng naging tugon natin dito sa problema na ito ay magkakaroon na ng sariling quarantine facility ang mga kumpanya,” wika ni Malaya sa isang panayam.

“Para hindi na nila pauwin ‘yung mga possible, kasi suspect na ‘yan eh. May close contact, so kaysa mag kagulo pa, we requested them to set up their own isolation facilities,” dagdag nito.

Inihayag pa ng opisyal, ang mga nakaugnayan nilang kompanya ay pumayag na raw na magtayo ng kanilang sariling isolation facilities.

Tiniyak din daw ng nabanggit na mga establisimento na na makikipag-ugnayan sila sa mga provincial at local government.