-- Advertisements --

Tiniyak ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano na matatapos sa loob ng 75 araw ang inilunsad na 2.0 version ng road clearing operations.

Ito ay kasunod sa direktiba na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-reclaim ang mga national roads.

Naglabas ng Memorandum Circular 2020-027, si Interior Secretary Eduardo Año kung saan inatasan ang lahat ng mga local government units na ipatupad ang road-clearing directive at matiyak na nasu-sustain ang nasabing programa.

“Binibigyan ko kayo ng 75 calendar days para gawin ito. This will continue whether you like it or not, especially since it has produced favorable results for the people,” pahayag ni Sec Año.

Sakop na ngayon sa gagawing clearing operations ang mga local and tertiary roads.

Sinabi ni Ano, kailangan rebyuhin ng mga LGUs ang kanilang mga existing ordinances kaugnay sa gagawing inventory of roads sa kanilang areas of jurisdiction.

Hinimok ang mga ito na magsagawa ng regular removal of obstructions sa mga provincial, city, municipal, barangay roads at sa national primary and secondary roads.

Magpatupad ng displacement strategy para sa mga apektado sa operasyon, magpatupad ng rehabilitasyon sa mga cleared roads.

Bumuo ng grievance mechanism kung saan pwede magreport ang mga residente.

Pinatitiyak ni Ano sa mga provincial governors na kino-comply ng mga city and municipal mayors ang directive ng DILG sa road-clearing operations.

Muling binalaan ni Ano ang mga city at municipal mayors na kapag hindi nag-comply sa DILG directive papadalhan sila ng show cause order.

Sasampahan din ng kasong administratibo ang mga barangay chairman kapag hindi sumunod.

“We recognize that the barangays have the No. 1 responsibility in keeping their roads obstruction-free so under Road Clearing 2.0. we will also assess the performance of the barangays and file appropriate charges if necessary,” dagdag pa ni Ano.

Sa ngayon nasa kabuuang 6,682 primary and secondary roads nationwide ang cleared na sa obstructions.