-- Advertisements --
Malaya
DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya

Pina-aalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga bagong halal na mga local government officials na mag file ng kanilang Statement of Contributions and Expenses (SOCE) bago ang June 13 o hindi sila makapag-assume to office.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na ang paghain ng SOCE ay isang legal obligation ng mga kandidato sa bayan at sa publiko.

“It is always good to start with a clean slate and to prove that you are worthy of the votes of your constituents,” wika ni Malaya.

Kabilang sa SOCE na ihahain ng mga bagong halal na opisyal ay ang cash and in-kind contributions na kanilang tinanggap mula sa kanilang political party at iba pang sources, kasama ang kanilang mga ginastos.

” The SOCE also includes expenditures paid out of personal funds, out of cash contributions and incurred using in-kind contributions,” dagdag pa ni Malaya.

Inihayag din ni Malaya na may pinirmahang memorandm of agreement ang DILG at Comelec na nagsasabi na ang DILG at ang mga attached agencies ay ire-require ang mga newly-elected officials at iprisinta ang kanilang Certification mula sa Comelec na kanilang na comply ang kanilang SOCE obligation.

“In the absence of the Comelec certification, a newly elected official shall not be allowed to perform his/her functyions as public officials.His failure to file the SOCE on time would entail a delay in public service and would cause a leadership vacuum in their respective LGUs,” paliwanag ni Malaya.

Bukod sa mga nanalong kandidato obligado din ang mga natalong kandidato na magsumite ng SOCE, maging ang mga nadisqualified at mga political parties.

Kapag hindi maghain ng SOCE ang mga kandidato, mahaharap sila sa adminitrative penalty.
P10,000.00 penalty para sa senators, partylist organizations at national political parties.
P8,500.00 para sa mga provincial governors, vice governors.
P7,000.00 para sa mga provincial board members,congressmen, local political parties, mayors at vice mayors.
P6,000.00 para naman sa councilors.