-- Advertisements --

Nanindigan ang DILG (Department of the Interior and Local Government) na mayroong paglabag sa napahintulutang pagpapabakuna kontra coronavirus ni Mark Anthony Fernandez.

Sa isang panayam, inihayag ni DILG Undersecretary Epimaco Densing na invalid o hindi katanggap katanggap ang paliwanag ng 42-year-old former matinee idol na kabilang siya sa pangalawang priority list dahil siya ay comorbid o yaong may higit isang karamdaman.

Ayon kay Usec. Densing, ang mga nasa tinatawag na quick substitution list ay dapat na mga health worker pa rin na substitute sa mga kasamahang hindi makakasipot.

Si Mark Anthony aniya ay isang aktor kaya kahit saang anggulo tignan ay legally and morally mali ang naging depensa.

“Kahit saang anggulo, legally and morally, mali,” saad nito sa ABS-CBN.

Dahil dito, nakatakdang pagpaliwanagin ng DILG si Parañaque Mayor Edwin Olivarez hinggil sa mga paglabag sa kanilang lungsod pagdating sa vaccination programs prioritization framework.