Mahigpit na pinaalalahanan ni Department of Interior and Local Government OIC Secretary Eduardo Ano ang Philippine National Police (PNP) na huwag makisawsaw sa pulitika.
Ito’y kaugnay sa nabunyag na “Red October” plot na naglalayong patalsikin sa pwesto si Pang. Rodrigo Duterte.
Aminado si Ano na may natanggap silang imnpormasyon kaugnay sa ginawang initial recruitment para sa Red October plot.
Paalala ni Ano sa PNP na manatiling non-partisan at loyal sa constitution at sa duly constituted authorities.
Sa ngayon isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ngayon kaugnay sa sinasabing recruitment sa hanay ng AFP at PNP.
Pagtiyak naman ng kalihim na nananatiling mataas ang moral ng mga pulis dahil sa pagtaas ng sweldo ng mga ito, maging ang mga mga tauhan at opisyal ng DILG .
Siniguro ni Ano na hindi sila magpapagamit sa anumang destabilization plot.