Hinimok ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang liderato ng Philippine National Police (PNP) na doblehin pa ang mga hakbang para makamit at mapanatili ang magandang imahe ng organisasyon sa publiko.
Ipinag-utos ng kalihim kay PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa na palakasin pa ang kanilang kampanya sa internal cleansing at tiyakin na masisibak sa serbisyo ang mga tinaguriang rogue cops na siyang nagbibigay ng negatibong imahe sa PNP.
Sa mensahe ni Año sa ika-119th Police Service Anniversary, nanawagan ito sa PNP magtrabaho pa ng todo-todo at gawin ang lahat para maiba ang perception ng publiko sa mga pulis.
Giit ng kalihim layon nito para manumbalik ang tiwala ng publiko sa mga pulis at maramdaman ng mga ito na sila ay safe and secured.
Hinikayat din ni Año ang mga pulis na patuloy gampanan ang kanilang misyon para mapanatili ang peace and order sa mga komunidad.
“Our efforts are already gaining momentum and we will not stop until every scalawag is removed from our ranks. Hence, we must be unyielding in our internal cleansing drive and by employing measures that beef up our character and caliber, we will be able to build a reputable and formidable police force trusted and well-respected by the Filipino people,” pahayag pa ni Año.