Todo ngayon ang panawagan ni Department of Interior and Local Goverment Secretary Benhur Abalos sa mga sangkot sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo na sumuko na.
Tiniyak din ni Abalos na sunod-sunod naman ang mga hakbang na ginagawa ng gobyerno para maresolba ang pagpatay kay Degamo.
Una nang bumuo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Task Force na kinabibilangan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at ng mga intelligence bureau para mabigyang hustisya ang pagpatay kay Governor Degamo.
Kabilang na rito ang iba pang mga mga biktima at ang mahalaga sa ngayon ay matukoy ang mastermind sa krimen.
Pangalawa raw dito ay ang pagtugis sa mga private armies.
Siniguro naman ni Abalos ang seguridad ni Congressman Arnolfo Teves Jr. kapag umuwi siya mula Amerika para harapin ang kasong murder na isinampa laban sa kanya sa Department of Justice (DoJ) noong Martes.