-- Advertisements --

Opisyal nang magbibitiw bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Sec. Benhur Abalos Jr.

Una nang napabilang si Abalos sa senatorial lineup ng administrasyong Marcos na sasabak sa 2025 midterm elections.

Inaasahan ding maghahain na ang kalihim ng kaniyang kandidatura sa pagka-Senador pagkatapos nito.

Ayon sa kalihim, ipinapaubaya na niya kay PBBM ang pagpili ng sinumang papalit sa kaniya bilang kalihim ng DILG.

Si Abalos ay dating nagsilbi bilang alkalde, kongresista, at MMDA Chairman sa mga nakalipas na administrasyon.