-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government o DILG Secretary Benjamin Abalos, Jr. ang paglunsad ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan o BIDA Program na ginanap sa ABL Sports and Cultural Complex sa bayan ng Kalibo, Aklan.

Ang nasabing programa ay itinakda sa pinasinayaang Balay Silangan o “Baeay Pagbag-o it Kalibo” sa Barangay Nalook sa nasabing bayan.

Maliban dito, nakipagkita at nakipagpulong ang opisyal sa Regional Management Coordinating Committee at sa local chief executives sa lalawigan.

Nabatid na ang “Balay Silangan” ay bahagi ng PDEA Harm Reduction Efforts na isang national drug reformation program na nag-aalok ng pansamantalang refuge sa drug offenders at surrenderers na maging law-abiding members muli ng society.

Una rito na naimbitahan si Abalos na magtalumpati sa opening ceremony ng Western Visayas Regional Athletic Association o WVRAA Meet 2023 ngunit hindi na siya tumuloy sa halip ay dumiretso sa isla ng Boracay sa iba pang importanteng aktibidad.