Muling nagbabala si DILG Secretary Eduardo Año sa mga lumalabag sa mandatoryong pagsusuot ng facemask sa Cebu na maaaring arestuhin ng kapulisan.
Ito ay sa kabila ng executive order na inisyu ni Governor Gwen Garcia na optional na ang pagsusuot ng face mask sa well-ventilated at open spaces sa probinsiya.
Iginiit ni Ano na ipinapatupad pa ring national government ang mandatoryong pagsusuot ng face mask sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Saad ng opisyal na komukonsulta na aniya sila sa kanilang legal team para matigil na ang naturang hakbang na hindi naaayon. Patuloy aniya ang pag-confront sa mga violators at kung kailangan na sila ay arestuhin kapag ayaw nilang sumunod ay gagawin ito ng PNP.
Ayon pa kay Ano, nilabag aniya ng Cebu government ang EO No. 151 series of 2021 hinggil sa Nationwide Implementation of the Alert Level System for COVID-19 Response.
-- Advertisements --