Pabor si Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa panawagan ni ng mga Metro Manila mayors na bumalangkas ng ordinansa na nagpapataw ng parusa sa mga indibidwal na kumukuhan ng booster shots gamit ang mga Covid-19 vaccines na binili ng gobyerno.
Sa isang mensahe na ipinadala ni Sec Año sa mga reporters sa Camp Crame sinabi nito na suportado nito ang mungkahi ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos naa panagutan ang mga booster shot violators.
Sinabi ng kalihim, mga selfish persons ang mga indibidwal na nagpapabakuna ng kanilang ikatlong vaccine shots dahil hindi na nabibigyan ng pagkakataon ang iba pa nating mga kababayan na mabakunahan.
Inihayag ng kalihim na kaniya ng inatasan si Philippine National Police (PNP) chief Guillermo Eleazar na imbestigahan ang insidenteng vaccine hopping at makipag ugnayan sa local government units kaugnay sa nasabing insidente.
Dito sa Quezon City, dalawang fully vaccinated persons ang kinasuhan for violating an ordinance prohibiting Covid-19 vaccination fraud matapos makakuha ng booster shots gamit ang mga government-provided vaccines.
Sa kabilang dako, inihayag naman ni Sec Ano na hindi pa nila napapag usapan ang posibleng pagpapalawig sa enhanced community quarantine sa Metro Manila.
Sa ngayon kasi, hindi pa nagbibigay ng go signal ang National Task Force (NTF) Against Covid-19 para makakuha ng booster vaccine shots.
Ayon kay NTF Chief Implementer Sec. Carlito Galvez batay sa payo ng mga experto maaari naman makakuha ng booster shots ang isang fully vaccinated indibidwal pero dapat may spacing na hanggang sa 12 buwan para mas magiging epektibo ito.
Sa kabilang dako, suportado ng PNP ang mga hakbang na ipagbawal ang mga booster shots sa mga naka-kumpleto na ng bakuna laban sa Covid 19.
Nanawagan si PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa publiko na huwag maging gahaman sa bakuna.
Marami pa aniya ang mga hindi nakakatanggap ng first dose, at hindi makatuwiran na makikipag-agawan pa sa mga ito ang mga fully vaccinated na.
Ang pahayag ng PNP Chief ay kasunod ng panawagan ni Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos sa mga mayors sa NCR na magpasa ng mga ordinansa na magpapataw ng parusa sa mga nagpaparehistro sa ibang LGU para makakuha ng booster shot.
Sa lungsod Quezon, dalawang tao ang sinampahan ng reklamo ng paglabag sa ordinansa laban sa Covid 19 Fraud, matapos kumuha ng booster Shoot sa kabila ng pagigiging fully vaccinated.