-- Advertisements --

Kasalukuyan ng nagpapagaling sa kaniyang bahay si Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año matapos na ito ay makalabas na sa pagamutan ng dapuan ng coronavirus.

Ayon sa kalihim, hinihintay pa lamang niya resulta ng knaiyang swab test para malaman kung negatibo na ito sa nasabing virus.

Bukod aniya sa pag-ubo ay nanantiling maganda na rin ang kaniyang kalagayan.

Unang nadapuan ng coronavirus ang kalihim noong March 31 at gumaling noong Abril 13.

Noong nakaraang Agosto ay muli itong nadapuan ng virus.

Nadapuan ito ng virus sa kaniyang opisina sa Camp Crame sa Quezon City.