Inihayag ni Department of Interior and Local Governement (DILG) Secretary Jonvic Remulla na may mga indikasyon na posibleng ma-extend ang termino ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen Rommel Francisco Marbil hanggang June.
Ayon kay Remulla, posibleng maging ineffective kase kung papalitan agad si Marbil lalo pa’t kakatapos lang ng balasahan sa ilang matataas na opisyal ng PNP at nakapagsimula na rin sa paghahanda para sa papalapit na National and Local Elections.
Pero paglilinaw ng kalihim, indikasyon lamang ito at si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos pa rin ang mag-aanunsyo at magdedesisyon kung papalitan na ang PNP Chief.
Si PNP Chief Marbil ay inaasahang magreretiro ngayong Pebrero o pagdating ng kaniyang retirement age na 56 years old sa susunod na buwan.
Ilan naman sa posibleng pumalit kay Marbil bilang PNP Chief ay sina PNP deputy chief for administration Lt Gen. Jose Melencio Nartatez; acting PNP deputy chief for operations Lt. Gen Robert Rodriguez at PNP Chief directorial staff Lt. Gen. Edgar Alan Okubo.