-- Advertisements --

Hindi isyu para kay bagong DILG Secretary Jonvic Remulla kung maging bahagi man sila ng gabinete ng kanyang Kapatid na si DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla.

Sa panayam sa Villamor Airbase, inihayag ng bagong DILG Chief na competence ang pinag- uusapan kaya hindi ito dapat kwestiyunin.

Kumpiyansa si Remulla na may maiaambag siya sa DILG bilang bagong magtitimon sa ahensiya.

Ipinagmamalaki din nito na ang kaniyang forte ay ang local government.

Ayon kay Remulla, tinanggap niya ang hamon para pangunahan ang ahensiya.

Aniya, malaking bagay din na may tiwala at kumpiyansa sa kanya si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Si Remulla ay nagsilbing gobernador ng lalawigan ng Cavite nuong 2010 Hanggang 2016 at 2019 Hanggang 2024.