Nais ngayon ni Department of Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos na gamitin ng 42,046 villages ang mga assemblies para makakuha ng suporta para sa anti-drug campaign ng pamahalaan.
Tinitukoy dito ni Abalos ang Buhay Ingatan, Droga Ayawan” (BIDA) program na isang nationwide anti-narcotics drive na layong malabanan ang illegal drugs sa pamamagitan ng pag-focus sa demand reduction at rehabilitation of communities.
Aniya, dapat daw ay samantalahin ng mga barangay assemblies ngayong buwan para ipaliwanag ang programa sa kanilang mga constituents at gawin ang mga itong advocates ng naturang programa.
Nananawagan ang kalihim na gamitin ang Barangay Assembly Day para mahikayat ang kanilang constituents na maging bahagi ng programa at makiisa sa laban sa iligal na droga.
Isa umanong oportunidad ang naturang assembly para maabot ang mga komonidad at maipaliwanag sa kanila ang kooperasyon na nais ng pamahalaan para ma-establish ang kampanya laban sa iligal na droga.
Sa pamamagitan naman ng Memorandum Circular No. 2023-032, pinaalalahanan ni Abalos ang mga local government units (LGUs) na magsagawa ng Barangay Assembly Days sa kada semester bilang mandatong nasa ilalim ng Local Government Code.