-- Advertisements --

Nakatakdang ipatawag ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang nasa higit 1,000 kapitan ng barangay na bigo umanong makasunod sa direktiba ng pamahalaan na tumulong sa paglilinis ng Manila Bay.

Sa isang panayam sinabi DILG Usec. Martin Diño, pinadalhan na nila ng show cause order ang ilang barangay captain sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan na konektado ang mga ilog sa Manila Bay.

Posible umanong patawan ng parusang pagkakakulong o multa ang mga opisyal na mapapatunayang nagpabaya sa kabila ng utos ng gobyerno.

Kung maaalala, sinibak kamakailan ang isang alkalde sa Capiz matapos mabigo sa pagpapanatili ng kalinisan sa isla ng Boracay.