-- Advertisements --
Isinisi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor Remulla ang troll ng nagdaang administrasyon dahil sa pagpapalabas ng pagtaas umano ng krimen sa bansa.
Sinabi nito na hindi nakikita ng mga trolls dahil sa mga taong pinapasok ng nagdaang administrasyon mula 2017 hanggang 2022.
Giit nito na kasalukuyang nililinisan nila ang mga gulo na iniwan ng mga ito.
Una ng sinabi ni dating presidential chief legal counsel Salvador Panelo na hindi na kailangan ni dating pangulong Rodrigo Duterte ng mga internet trolls dahil sa mayroon siyang mataas na approval rate hindi gaya umano sa kasalukuyang administrasyon na kailangan ang mga trolls para pagandahin ang imahe at atakihin ang dating administrasyon.