Suportado ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang Senate Bill No. 1100 para isailalim sa jurisdiction ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang lahat ng mga provincial jails sa buong bansa.
Ayon kay Año ang transfer ng pamamahala ng mga provincial jails sa BJMP ay hindi lamang timely kundi ito talaga ang tamang gawin.
Giit ng kalihim sa sandaling ma-integrate na ang lahat ng mga kulungan, magkakaroon na ng isang standard implementation ng mga polisiya sa lahat ng mga kulungan.
“Nararapat lamang na magkaroon ng matibay at pantay-pantay na pamamahala at pangangalaga ang ating mga kababayan sa ating mga bilangguan,” pahayag ni Sec Ano.
Ang Senate Bill No. 1100, na inihain ni Senator Ronald Dela Rosa ay magreresulta ng magandang pamamalakad sa ilalim ng mga trained BJMP personnel at ma maximize ang lahat ng resources ng BJMP.
Batay sa datos, 13 sa 74 provincial jails sa buong bansa ay kasalukuyang sinu-supervise na ng BJMP base sa memorandum of agreement sa pagitan ng LGUs at ang provincial government.