Suportado ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang bagong polisiya ng Department of Transportation (DOTr) na “no vaccination, no ride” policy.
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na naglabas ng memorandum circular ang kagawaran para sa mga local government unit (LGU) at inatasan kasama ang Highway Patrol Group-Philippine National Police (HPG-PNP) at iba pang mga traffic bureau ng mga LGU upang matagumpay aniya na maipatupad ang nasabing kautusan at masiguro na manatili sa kani-kanilang mga tahanan ang mga hindi pa nababakunahang mga indibidwal.
Nilinaw naman ni Año na ang mga taong bibili ng essential goods at services, may medical conditions, at mga magtutungo sa mga vaccination sites ay bibigyan ng exceptions sa nasabing polisiya.
Naglabas na rin aniya ng kautusan ang League Provinces of the Philippines (LPP) ng kautusan para sa mga nasasakupan nitong mga lalawigan na sumunod ipinatutupad na alituntunin.
Kahapon sinimulang ipitupad ng Department of Transportation (DOTr) ang “no vaccination, no ride” policy sa buong Metro Manila kung saan ay hindi pinahihintulutan na makasakay sa mga pampublikong transportasyon ang mga indibidwal na hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.
Ngunit paglilinaw ng ahensya ay maaari pa rin na bumyahe ang ito kung pribadong sasakyan ang gagamitin ng mga ito.