-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na kanilang iimbestigahan ang nangyaring failure of election ng Philippine Councilors League (PCL) nitong Huwebes.
Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, na tutulungan nila ang PCL para matiyak ang integridad ng halalan.
Ilan sa mga nakita aniya ng DILG ay ang pagpalpak ng IT solutions na kinuha ng PCL.
Hihintayin na lamang nila ang anunsiyon ng PCL National Board sa bagong halalan kung saan magsisilbing Commission on Election members.
Magugunitang inulan ng reklamo mula sa iba’t-ibang municipal at city councilors sa bansa ang nangyaring kapalpakan ng PCL election na ginanap sa lungsod ng Pasay.