Tiniyak ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano na in-placed ang ikinasang preventive measures sa Athletes Village sa Capas, Tarlac kung saan ika-quarantine ang mga Filipino OFWs mula Hubei,China ng 14 na araw.
Ito’y sa kabila ng pangamba ng pamahalaang lokal ng Capas na umalma sa planong duon i-quarantine ang mga repatriated OFWs mula Hubei province na siyang epicenter ng deadly 2019-nCoV corona virus.
Ayon naman kay Ano, na kanilang kinukusindera ang sentimiyento ng pamahalaang lokal ng Capas, subalit nakapag desisyon na ang National Government na duon dalhin ang mga repatriated Filipinos.
Giit ng kalihim na ang mga OFW ay mga Pilipino din na nangangailangan ng tulong at pang-unawa.
Siniguro naman ni Ano na walang dapat ipangamba ang mga residente ng Capas dahil hindi naman nila masisilayan at makakasalamuha ang mga ika-quarantine na mga kababayan natin.
Lahat ng protective measures sa lugar ay mahigpit na ipinatutupad ng mga medical team.