Tiniyak ni Interior and Local Government Secretary OIC Sec. Eduardo Ano na mapaparusahan ang mga pulis na nahuling natutulog at nag iinuman habang naka duty.
Naglabas ng direktiba si Ano sa National Police Commission at PNP para maparusahan ang mga nahuling pulis.
Sinabi ni Ano na walang karason-rason para maging tamad o tiwali ang mga pulis ngayon dahil doble na ang sahod ng mga ito.
Sinabi ng kalihim na hindi katanggap tanggap ang ginawa ng 18 pulis na nahuling natutulog at nag-iinuman.
Una ng sinabi ni NCRPO chief PDir. Oscar Albayalde na kanilang sasampahan ng administrative case ang 18 pulis.
Kaniya din inirekumenda kay PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa na ideploy sa Mindanao.
Unang nagsagawa ng surprise inspection si Albayalde sa Pasay police at Muntinlupa police station.
Hinimok naman ni PNP chief ang mga regional police directors na magdala ng media kapag nagsagawa ang mga ito ng surprise inspection.