-- Advertisements --
DILD EDUARDO ANO
DILG SEC ANO

Pinabulaanan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na mas inuuna ng gobyerno ang pagtaas ng sahod ng mga kapulisan at ilang uniformed personnel kaysa sa mga guro.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año, na walang basehan ang alegasyon ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na mas pinapaburan ni pangulong Rodrigo Duterte ang mga kapulisan kaysa sa mga guro.

Dagdag pa ng kalihim na kinikilala ng pangulo ang naging kontribusyon ng mga guro para sa paghubog sa magandang kinabukasan ng mga kabataan.

Paglilinaw pa nito na inuna ng pangulo ang pagtaas sa sahod ng mga police at mga uniformed personnel dahil ito ang una niyang naipangako sa habang nangangampanya noong 2016 election.