-- Advertisements --

ILOILO CITY – Personal na nagtungo sa Iloilo si Department of the Interior and Local Government Undersecretary for Public Safety Serafin Barretto, Jr. upang magsagawa ng imbestigasyon sa nangyaring noise barrage sa Iloilo City District Jail- Male Dormitory noong nakaraang linggo.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Atty. Jairus Anthony Dogelio, spokesperson ng BJMP- Region VI, sinabi nito na kasama ni Undersecretary Barretto na pumunta sa pasilidad ay si Jail Chief Supt. Clint Russel Tangeres na siyang regional director ng ahensya.

Ang layunin ng pagbisita ng dalawang opisyal ay upang tingnan ang sitwasyon ng mga inmates.

Nakipagpulong din sila sa mga representante ng mga person deprived of liberty (PDL).

Pinakinggan ng mga opisyal ang problema nga mga inmates at tiniyak ang pagbigay ng pangunahing pangangailangan ng mga ito lalo na ang magandang suplay ng pagkain.

Kung matandaan, noong nakaraang linggo, nagsagawa ng noise barrage ang ilang mga inmates dahil sa di umano’y kakulangan ng pagkain at tubig at pinapalayas ang jail warden na si Jail Senior Inspector Norberto Miciano Jr.

Ang Flo Water Resources Iloilo Inc. ay agad namang nag-offer ng libreng tubig na maaaring maiinom na pinasalamatan naman ng BJMP VI.