-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Pingunahan ng mga matataas na opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa isinagawang simultaneous na Constitutional Reform (CORE) Roadshow na kasalukuyang isinasagawa sa lungsod ng Butuan.

Napag alamang naglilibot sa bansa ang mga taas na opisyal ng DILG para sa kanilang constitutional reform o Core campaign sa Pederalismong isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan kay DILG Usec. Gerardo Salapantan, inihayag nito ang layunin nilang magsagawa ng information drive, ito’y base na sa nilagdaan ni Pangulong Duterte nga MC 52, na siyang nagbigay bisa sa DILG sa pagpapatupad sa nasabing kampanya.

Aminado si Usec. Salapantan na maraming kababayan ang nakadama ng pagkabahala at takot sa binabalangkas ngayong Pederalismo, sa kabila ng kanilang tiwala kay Pangulong Duterte.

Ito’y dahil sa kakulangan ng kabuuang impormasyon at kung ano ang magiging epekto ng panukalang batas na siyang dahilan ng pangamba ng mamayan.

Kung kaya’t porsigido ang DILG sa kanilang information drive upang mas mapaintindi sa publiko ang mga pagbabago sa ilalim ng Federal form of government.

Nilinaw din ni Atty. Donna Manlangit na ang pinapanday na pederalismo ay hindi nanganaghugang naging failure ang kasalukuyang 1987 constitution.

Ito’y dahil nabuo ang nasabing konstitusyon sa layuning mas mapalakas ang demokrasya sa bansa laban sa dektatorya. At dahil sa mga kinakaharap na problema ng bansa, napapanahon na para baguhin ang konstitusyon sa ilalim ng pinapanday na Pederalismo.