-- Advertisements --
Walang inilaan ang Department of Interior and Local Government (DILG) na extension sa 60 days na ibinigay nila sa mga local government units para makumpleto ang road clearing operation sa kani-kanilang lugar.
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año, sapat na ang 60 araw na nauna nilang ibinigay.
Nakita ng kalihim na malaki ang improvements ng ibang lugar dahil desidido silang linisin ang kanilang kalsada.
Magugunitang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 29 sa mga LGU ang paglilinis ng sidewalks at alisin ang mga nakaharang dito.